Friday, November 14, 2008

Jericho Rosales makes freudian slip while describing 'heavy' role in "Baler"

Binati ni Jericho Rosales ang press na dumating sa presscon ng Baler kahapon, November 13, in Spanish. Throughout the presscon, paminsan-minsan din siyang siyang nag-i-EspaƱol.

Nabanggit kasi ng aktor noon sa isang panayam na mag-aaral siya ng Spanish bago simulan ang shooting ng Baler para maging makatotohanan ang portrayal niya sa role ni Celso Resurrecion, ang half-Spaniard, half-Filipino na mas piniling kumampi sa mga kaaway at talikuran ang kapwa Filipino.

Ang Baler, na idinirek ni Mark Meily, ang entry ng Viva Films sa 2008 Metro Manila Film Festival. Katambal dito ni Jericho si Anne Curtis.

"This is an important movie," sabi ni Jericho. "It touches Filipino history dahil based ito sa Siege of Baler noong 1898. Hindi lang history ang mapapanood, may romance din."

"Heavy" ang description ni Jericho sa kanyang role. Para raw mas ma-feel niya ang kanyang character, siya mismo ang nag-research. Dumaan din siya sa matinding preparasyon, pati kung paano kumilos at magsalita ng Tagalog noong unang panahon.

"Na-trap for one year sa loob ng simbahan si Celso at mga kasamang sundalo. Ipapakita ang hirap na dinanas ng mga sundalo that whole time na nasa simbahan sila. Makikita rin kung paano nila ipinaglaban ni Feliza [Anne] ang kanilang pagmamahalan," pagpapakilala ni Jericho sa kanyang role.

Paano naka-relate si Jericho kanyang role?

"Mahirap ang pinagdaanan namin sa loob ng simbahan at ang character ni Celso ay ibang-iba. Mapagmahal siya at romantiko, at kaya kong magmahal hanggang kamatayan," saad ng aktor.

Ano ang feeling niya habang ginagawa nila ang Baler?

"Sobrang excited ako and every scene, gusto ko nandun ako," saad ni Jericho. "Metikuloso ang pagkakagawa ni Direk Mark. Na-miss ko ang ginawa ko sa Bagong Buwan na war movie rin na ipinag-enjoy ko rin. De numero ang gumawa ng giyera, para kang nakikipaglaro sa mga bata."

0 comments: